-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay na nang matagpuan na nagpapalutang-lutang ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa kadagatan na sakop ng Sitio Bantigue, Barangay Cagsiay 2, Mauban, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na tanging ang suot na itim na damit, asul na shorts at ang height na nasa 5’2 ang pakakakilanlan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing ang grupo ng mga mangingisda ang nakita sa naagnas ng katawan ng biktima sa nasabing lugar.

Agad naman umano itong iniulat ng nasabing mga mangingisda sa Mauban Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para sa retrieval operation.

Samantala, pagkalunod naman ang tinitingnang dahilan ng pagkamatay ng nasabing biktima at wala naman umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay nito.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyong ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima.