-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Pormal ng sinampahan ng 5 counts of murder at attempted murder ang suspek sa pagpatay sa limang magkakaanak sa Milaor, Camarines Sur.

Mababatid na ang suspek na si Arthur De Leon na patuloy pa ring tinutugis ng mga awtoridad upang maisilbi ang hustisya sa mga biktima ng nasabing karumal-dumal na krimen.

Kung saan lima ang patay at isa dito ang malubhang nasugatan matapos itong pagbabarilin at pasabugan sa loob mismo ng tahanan ng mga biktima.

Sa katunayan, sa ngayon aabot na sa P600,000.00 ang halaga ng nakalaang pabuya sa sinuman na makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Kung maalala, nagsilbi na rin ng search warrant sa bahay ng suspek ang mga awtoridad at nadiskubre dito ang iba’t ibang kalibre ng baril, bala at pamsabog.

-- ADVERTISEMENT --