-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Lininaw ng Iriga City Police Station na aksidente ang pagkamatay ng isang lalaking nakitang patay sa Barangay Sta Cruz sa nasabing lungsod.

Kinilala ang biktima na si Jomar Albia, 22-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PLt. Bella Vergara Cereno, tagapagsalita ng nasabing himpilan, planong umakyat sana sa bakod ng biktima subalit aksidenteng naputol ang hinahawakan nito dahilan para mahulog ito at mauntog sa konkretong bahagi ng street light sa lugar.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na walang foul play sa insidente at walang nakitang anumang sugat sa bahagi ng katawan ng biktima.

Matatandaang wala ng buhay nang makita ang biktima ng isang concerned citizen sa harap ng isang bahay sa Zone 2, Barangay Sta Cruz bandang alas-7 ng umaga ng Disyembre 01.

-- ADVERTISEMENT --