-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Arestado ang isang incumbent Barangay Captain sa ikinasang search warrant implementation sa Barangay Dahat, Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Chiz Navea, 52-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt Jaime Enciso Jr., ang Deputy Chief of Police ng Lagonoy Municipal Police Station, sinabi nito na nahalughog g ng mga awtoridad sa suspek ang isang medium size plastic sachet at apat na pirasong small size plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Aniya, aabot sa 25 gramo ang bigat ng mga iligal na droga na tinatayang aabot ng P170,000.

Ayon pa kay Enciso, itinuturing na kabilang sa No 3 Municipal Drug Wacthlist ng PNP si Navea at ito rin ang kinukuhanan ng supply ng ilegal na droga sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, dalawang taon na ang nakakalipas ng maaresto rin si Navea dahil sa kasong paglabag sa RA 7942 o pagnanakaw at pagkuha ng mga mineral nang walang mining permit.

Samantala, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sec 11 ng Republic Act of 9165 ang naturang suspek.