NAGA CITY- Halos nasa P200-K na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa dalawang suspek sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sina Rizza Lagrazon, 32-anyos at Jaynard Avila, 30-anyos, kapwa residente ng Brgy. Ransohan sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nasamsam sa nasabing suspek ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na nasa 9.5 grams.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ang mga iligal na droga ay may kabuuang halaga na nasa P193,800.00.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.Top