-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Itinaggi ng hepe ng Goa Municipal Police Station ang balita na sumuko na ang suspek na pumatay sa isang 5-anyos na batang babae sa Matacla, Goa, Camarines Sur.

Kung maaalala, Oktubre 11, 2021 nang matagpuan na wala ng buhay ang katawan ng nasabing biktima sa madamong bahagi ng Sitio Kalangkaan, Matacla, sa nsabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Bernardo Peñero, ang hepe ng Goa MPS, sinabi nito na nasa elimination process pa ang mga awtoridad para sa posibleng mga person of interest sa krimen.

Ayon pa kay Peñero, oras naman umano na makilala na nila ang suspek, agad naman silang magpapalabas ng pahayag patungkol dito at agad rin naman na sasampahan ng kaso ang susupek.

Dagdag pa ng opisyal, malakas ang ebidensya na mayroong nangyaring foul play sa insidente at pinaniniwalaan na taga doon rin lamang sa lugar ang suspek sa nasabing krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinigurado naman ng nasabing himpilan na mabibigyan ng karampatang hustisya ang pamilya ng biktima biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad lalo na ang pag-alam sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng nasabing biktima.