NAGA CITY- Binawian na ng buhay ang dating alkalde ng Pagbilao, Quezon na si Romeo Portes matapos ang 10 araw na pamamalagi nito sa ospital.

Ito’y matapos ang nangyaring pamamaril sa nasabing alkalde noong November 24, 2020 ng dalawang hindi pa matukoy na mga suspek.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) napag-alaman na pasado alas 4:00 ng pagkahapon, araw ng Biyernes ng kumpirmahin mismo ni Pagbilao Mayor Shierre Ann Portes-Palicpic na binawinaan na ng buhay ang kanyang ama.

Nabatid na isinasagawa narin mismo sa St. Lukes Hospital, Taguig City ang autopsy sa 73-anyos na dating alkalde.

Aabot rin sa P500,000 ang inalok na pabuya ng pamilya Portes sa kung sino man ang makakapagturo at makakahuli sa mga suspek.

Kaugnay nito nagpapatuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon at pagtugis ng mga otoridad sa naturang mga suspek.

Una na rito, ilang araw lamang ang nakakalipas ng matagpuan ng mga otoridad sa Barangay Bukal, Pagbilao Quezon ang motoriklong ginamit ng mga suspek na tinatayang tatlong kilometro lamang ang distansya nito sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala kinondena rin mismo ni Provincial Director PCol Audie Madrideo ang nasabing pangagayri kung saan tiniyak nito na pananagunitin nito ang nasabing mga suspek.