-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay ang isang door to door driver matapos na pagsasaksakin sa San Isidro, sa lungsod ng Iriga.

Kinilala ang biktima na si Emiliano Paya Jr, 53-anyos, residente ng Barangay Sta. Maria, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang naghihintay ng pasahero ang biktima nang kompronahin ito ng suspek na kinilalang si Danilo Pamparo, residente ng bayan ng Buhi, Camarines Sur.

Nagresulta naman ito sa mainit na diskusyon sa pagitan ng suspek at ng biktima na nag-udyok sa suspek para kumuha ng patalim at inundayan ng saksak si Paya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal ngunit idineklara ring dead-on-arrival ng mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.