CAUAYAN CITY – Bibigyan ng DSWD ng emergency shelter assistance ang mga pamilyang napinsala ang mga bahay sa naganap na malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Chester Trinidad, Information Officer ng DSWD na batay sa mga natanggap nilang report ay umabot sa 38 ang totally damaged houses habang isa ang partially damaged.
Bibilisan nila ang paggawa ng terminal report na ipapadala nila sa central office ng DSWD para mas mabilis din ang pagproseso ng tulong para sa mga pamilyang napinsala ang mga bahay.
Makakatanggap aniya ng 30,000 pesos ang mga pamilyang ganap na napinsala ang mga bahay habang 10, 000 pesos sa mga partially damaged.
Ayon kay Ginoong Trinidad, umaabot sa 6,000 family food packs ang naibigay nila sa mga apektadong pamilya mula sa ibat ibang bayan ng Cagayan.
Ito ay bukod sa 4, 410 family food packs na ipinamahagi ng DOST.
Sa ngayon ay 80-90% na ang mga pamilyang nakabalik sa kanilang mga bahay. Anim pa ang bukas na evacuation center sa Ballesteros, Cagayan habang isa sa Sta. Praxedes.