-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang dalaga sa bakuran ng kanilang bahay matapos magpatiwakal sa Brgy. Carolina, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Lenie Reales, 27-anyos residente ng Zone 1 sa nasabing barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na wala ng buhay si Reales ng matagpuan ng kaniyang bayaw sa likod ng kanilang bakuran na bakanteng lote.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na agad naman umanong itinakbo ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara rin itong dead-on-arival ng mga doktor.

Samantala, wala namang nakitang foul play ang mga kapulisan sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ng nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.