NAGA CITY- Umabot na sa 2,726 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Coronavirus Disease sa Bicol Region.

Sa data ng Department of Health Center for Health Development – Bicol, sa kasalukuyan nasa 521 na ang active cases sa rehiyon dahil sa 36 na panibagong kaso.

Sa nasabing bilang anim na panibagong kaso ang mula sa probinsya ng Albay, 17 Camarines Sur, apat sa Masbate, at walo sa Sorsogon.

Nabatid na umabot narin sa 2093 ang bilang ng mga nakarecover dahil sa 25 na panibagong gumaling.

Sa ngayon umabot narin sa 112 ang bilang ng mga namatay dahil sa nasabing virus.

Samantala patuloy naman ang pag papaalala ng DOH-Bicol sa mamamayan na sumunod sa mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.