NAGA CITY- Isinara na ang ilang kalsada sa probinsya ng Camarines Sur dahil sa patuloy na nararanasang pagbaha,landslide at rockslide.

Ito’y may kaugnayan sa patuloy na nararansang pag-ulan sa probinsya dala ng North – East Monsoon (Amihan) at Tail-End of Frontal System.

Crdts: Sangay-Tiwi road, temporarily close due to rockslide

Sa opisyal na pahayag ng local na gobyerno ng bayan ng Sangay, napag-alaman na pansamantalang isinara ang kalsada sa Sitio Sententa Y Dos, Barangay Patitinan, Sagñay patungong bayan ng Tiwi sa probinsyang Albay dahil sa patuloy na pag guho ng lupa.

Inabisohan rin at pinag-iingat ang mga residente na malapit sa nasabing lugar.

Sa ngayon wala naman umanong naiulat na nasugatan sa nasabing pangyayari.

Samantala halos nasa 21 barangay naman sa bayan ng Nabua ang lubog parin ngayon sa baha.

Itinutorong dahilan naman ng nasabing pag baha ang pagpapakawala ng tubig mula sa bayan ng Buhi.

Kung saan maging ang ilang barangay sa nasabing lugar ay nalubog rin sa tubig baha.

Sa ngayon patuloy paring binabantayan ng Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga lugar na delikado sa landslide at pagbaha.