NAGA CITY – Naitala bilang Overall number one AM Radio Station ang Bombo Radyo Naga.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Kantar Media para sa taong 2021.

Sa kabuuan, nakakuha ng 60.92% rating ang naturang himpilan.

Ayon pa sa naturang survey, sinundan pa ito ng apat na iba pang AM radio station.

Sa kabila nito, kung maaalala, Hulyo 6, 2021 nang ipagdiwang ang 55th anniversary ng Bombo Radyo Philippines.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag nito sa ere para maghatid ng mga balita at serbisyo sa publiko.Top