-- ADVERTISEMENT --
NAGA CITY – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na malunod sa General Nakar, Quezon.
Tinatayang nasa edad 18 hanggang 20-anyos ang nasabing biktima.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan ang biktima habang nagpapalutang-lutang malapit sa dagat na sakop ng Brgy. Pamplona, sa nasabing bayan na wala ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng imbestigasyon ng mga awtoridad, pagkalunod ang posibleng naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.
-- ADVERTISEMENT --