NAGA CITY- Kanselado ang pag-babalik eskwela ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Camarines Sur dahil parin sa iniwang pinsala ng Super Typhoon Rolly.

Sa memorandum na ipinalabas ni Camarines Sur Gov. Migz Villafuerte, sinabi nito na kanselado ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan dahil sa nanatiling walang supply ng kuryente at mahinang internet connections.

Nabatid na epektibo ang nasabing kautusan simula Nobyembre 3 hanggang Nobyembre 7 kung saan maaari pa umano itong mabago depende sa kasalukuyang setwasyon ng lalawigan.

Kung maalala bago paman dumating ang Bagyong Rolly ay distance learning na ang ginagamit ng mga estudyante sa pag-aaral dahil sa new normal situation dala ng pandemia na Coronavirus Disease.

Samantala, kaugnay nito naglabas din ng pahayag ang Department of Education (DepEd-Bicol) hinggil sa pag-supporta nito sa mga Local Government Unit na nagpapatupad ng Suspension of Classes sa mga lugar na labis na naapektohan ng nasabing bagyo.

Ayon dito, pansamantala munang suspendido ang modular at online classes hanggang sa ganap ng maibalik ang supply ng kuryente.

Sa ngayon kasalukuyan pa umanong nagpapatuloy ang isinasagawang assessment ng nasabing ahensya sa kabuuang bilang ng pinsalang dala ng Super Typhoon Rolly pag dating sa sektor ng edukasyon.