-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang babae matapos na pagsasaksakin ng live-in partner sa Brgy. Calimpak Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Mary Rose Joven 21-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan sa

pagitan ng biktima at ng suspek na si Clifford Delos Santos 24-anyos.

Kaugnay nito, pinagsasaksaksak ng suspek ang biktima na nagtamo ng malalang tama sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Agad namang dinala sa ospital ang biktima para sa karampatang asistensya medikal.

Sa ngayon, patuloy namang pinaghahanap ang suspek na agad tumakas matapos ang nasabing krimen.