-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang isang babae matapos umanong magbigti sa Brgy. Handong, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Sarah Jane Abainza, 26-anyos, at residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nadiskubre na lamang ng live-in partner nito na nakabbigti ang biktima gamit ang isang nylon na lubid.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinaniniwalaan na dah sa problema sa pamilya at nararanasang depresyon ang nagtulak sa biktima para tapusin na ang kaniyang buhay.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente habang hinihintay ang resulta ng post-mortem examination/autopsy.

-- ADVERTISEMENT --