-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang anim katao kasama ang isang menor de edad sa pagbanggaan ng dalawang ten wheeler truck sa Barangay Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj Allan McCoy, Hepe ng Sipocot PNP, napag-alaman na mula sa Manila at patungo sanang Naga ang truck na minamaneho ni Ansito Dispol habang patungo ring Manila mula sa Naga City ang truck na minamaneho naman ni Christian Yape.

Ayon kay McCoy, sinasabing nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Dispol kung kaya aksidente itong bumangga sa kasalubong na truck.

Bunsod nito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga driver at ang apat na iba pa na sakay ng mga ito na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.

-- ADVERTISEMENT --