-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang anim katao kasama ang apat na menor de edad matapos maaksidente ang sinasakyang tricycle sa Barangay Calabaca, Capalonga, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), nabatid na binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Edmir Asis 41-anyos ang lugar ng biglang matanggal ang isang gulong ng sasakyan.

Kaugnay nito, natumba ang tricycle at tumilapon ang mga sakay nito.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Asis maging ang mga sakay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.Top

-- ADVERTISEMENT --