-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang tatlong katao matapos na mabangga ng isang kotse ang isa pang kotse sa kahabaan ng San Jose St. Goa, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Alejandro Padron, Traffic Investigastor ng Goa Municipal Police Station, sinabi nito na habang naka-park ang sasakyan ng kinilalang si Arvi, 33-anyos kasama ang hindi na pinangalanang indibidwal ng dumating ang sasakyan na minamaneho ni Josie Rimedo, 37-anyos.

Ayon pa kay Padron, dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Rimedo, hindi nito nakontrol ang minamanehong sasakyan dahilan upang makasalpok ito sa nakaparadang kotse at tumaob pa sa gitna ng kalsada.

Dahil sa nasabing insidente nagtamo ng mga minor injuries ang nasabing mga indibidwal.

Samantala, kinumpirma naman ni Padron na nagkaareglo naman at hindi naman na magsasampa pa ng kaso ang mga biktima laban kay Rimedo.

-- ADVERTISEMENT --