NAGA CITY- Patay ang dalawang persona matapos na magsalpukan ang trak at motorsiklo sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na sina Marvin Asis, 19-anyos at ang backride naman nito na sa motorsiklo na si Teody EsaƱol, 26-anyos residente ng naturang probinsiya.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang ng mga ito ang kabilang linya ng kalsada.

Dahil dito, nakasalpok sa trak na minamaneho naman ng suspek na kinilalang si Ronnie Umerez, 55-anyos, residente ng Barangay Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng seryosong tama sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.