-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang dalawang lalaki matapos matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa Almeda Highway, Brgy. Concepcion Pequena Naga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Deepak Singh 18-anyos isang Indian National, residente ng Ramaida Village Concepcion Grande sa nasabing lugar at isang nagngangalang Orlando Carpina 42-anyos residente ng Minalabac Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na habang binabaybay ni Singh ang kahabaan ng nasabing lugar ng makabanggaan nito ang isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni Carpina.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang dalawa na agad namang dinala sa ospital para sa karampatang asistensya medikal.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --