-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasakin sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Erickson Abued, 41-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang papunta ang biktima at ang mga suspek na sina Daniel Mallari, 37-anyos, Clemente Mallari, 29-anyos at Jessie King Mallari Albendo, 27-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar upang pag-usapan ang dati nilang hindi pagkakaintidihan sa nasabing barangay kung saan dito na nagkaroon ng mainot na argumento sa pagitan ng biktima at ng mga suspek.

Matapos nito, tumakas si Abued kung kaya hinabol ito ng mga suspek at dito na ito pinagsasaksak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat ang biktima na agad naman na dinala sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad si Clemente habang patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakaaresto kina Daniel at Albendo na agad na tumakas matapos ang nasabing insidente.