-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Hinatid na sa kaniyang huling hantungan si PCMSgt Romeo Padua sa Eternal Gardens sa lungsod ng Naga.

Kung maaalala, si Padua at ang isa pa nitong kabaro na si PCpL Christian Del Valle ay walang habas na pinagbabaril-patay habang nasa duty noong nakaraang Sabado, Oktubre 16, 2021.

Kaugnay nito, nagpasa naman ng resolusyon an Sangguniang Panglunsod ng pagpapaabot ng simpatiya at pagbigay ng pagpupugay sa dedikasyon ni Padua sa trabaho kasali na ang pagtaya nito ng sariling buhay.

Samantala, linagay naman sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa City Hall kaninang umaga hanggang sa paglubog ng araw mamaya bilang pakikiisa ng lungsod sa pagdadalamhati ng pamilya ng nasabing mga pulis.