-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang PNP personnel matapos na mahagip ng isang elf truck sa Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si PCpl. Kimberly Avila, 27-anyos, personahe ng Sipocot Municipal Police Station, residente ng Brgy. South Centro, Sipocot, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ni Avila ang kalsada patungo sa bayan ng Sipocot ng aksidente itong madulas na naging dahilan upang magpasuray-suray ito sa kalsada.

Dito naman nahagip si Avila ng kasunod nitong Elf Truck na minamaneho ni Jeypi Ceneta, 33-anyos.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.