-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang katao habang sugatan naman ang walong iba pa matapos ang salpukan ng isang kotse at pick-up truck sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Rikki Gabrielle Balance, at ang mga nasugatan naman ay sina Cerise Jewell Buenaventura; Adrajemse Louise Esmejarda; Clauditte Lozano; Michaela Importante; Dominic Buenaventura; Ivan King Ceron; Hazel Lozano; at Frederick Santos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang tinatahak ng driver ng kotse na si Cerise Jewell ang nasabing kalsada nang mag-overtake ito sa kabilang linya na tinatahak din ng pick-up truck na minamaneho naman ni Arthur Arroyo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dito na nag-overshoot sa gilid ng kalsada ang gulong ng kotse dahilan para mawalan ito ng kontrol at tuluyang sumalpok sa pick-up truck.

Dahil sa lakas ng impact, tumalipon ang naturang kotse papunta sa kasalungat na direksiyon kung saan tumama pa ito sa street light bago nagpagulong-gulong.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, matapos ang banggaan, sumalpok naman ang pick-up sa konkretong pader ng bahay ni Nicanor Clasio at nagtamo rin ng pinsala ang isa pang kotse na nakaparada sa loob ng nasabing bahay matapos mabagsakan ng mga debris.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang driver at ang mga pasahero ng naturang kotse.

Agad naman dinala sa ospital ang mga biktima ngunit ideniklara nang dead on arrival ng mga doktor si Balance.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.