-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isa katao habang sugatan naman ang isa pa matapos pagbabarilin sa Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si Ruperto Labrague, 42-anyos at ang sugatan naman na si Renante Tisbe, 44-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na tinatahak ni Labrague ang kaniyang motorsiklo habang angkas nito si Tisbe nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa madilim na parte ng nasabing lugar.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan si Labrague habang tinamaan naman ng bala ang kanang paa ni Tisbe.

Agad naman na dinala sa pagamutan ang dalawa ngunit sa kasamang palad ay binawian ng buhay si Tisbe habang linalapatan ng lunas sa ospital.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 na pinaniniwalaang ginamit ng suspek.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng hot pursuit operation ng mga awtoridad laban sa responsable sa krimen.Top