-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang menor de edad matapos na pagtatagain sa Barangay Mabini, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na 17-anyos na lalaki, residente ng Barangay Palaspas sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si Oliver Sandoval, 21-anyos, at bigla na lamang pinagtataga ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon mga awtoridad, nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad naman na dinala sa ospital para sa asisitensya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --