-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang magsasaka matapos na pagsasaksakin ng kapwa magsasaka sa Barangay Binibitinan, Polillo Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ronald Ihapon, 29-anyos, residente ng nasambitan ng lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa ilalim nang impluwensya ng alak ang suspek na kinilalang si Jayson Armenta, 32-anyos nang magtungo ito sa bahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagkaroon nang mainit na diskusyon sa pagitan ng suspek at biktima ngunit sa kabutihang palad naawat ang mga ito.

Matapos ang nasambing insidente, nagtungo si Ihapon sa kanyang rest house upang kumain ng hapunan ngunit sinundan pala ito ni Armenta habang armado ng balisong, kung saan dito naman inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan si Ihapon na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Samantala, matapos ang nasabing insidente agad naman na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malaman na direksyon.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa kinaroroonan nang nakatakas na suspek.