-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos mabangga ng isang fighter truck closed van sa Barangay San Vicente, General Luna, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Braul Cataytay, 64-anyos, residente ng naturang munisipalidad.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na habang minamaneho ni Joas Semeniano, 27-anyos ang kaniyang closed van nang aksidente nitong mahagip si Cataytay na kasalukuyang tumatawid naman sa naturang kalsada.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa kaniyang katawan ang biktima habang wala naman natamong tama ang driver ng closed van.

Aagad naman na dinala sa ospital si Cataytay para sa asistensiya medikal ngunit binawian din ito ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.