-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang electrician matapos na pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Francis Ernan Ventocilla, 38-anyos, residente ng Villa Macaria, Brgy. Masalukot I, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-araman na habang nakikipag-inuman sa labas ng bahay nito ang biktima kasama ang mga kaibigan nito ng dumating ang suspek na si Gilberto Ramos at bigla na lamang umano nitong binaril ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala si Ventocilla na agad na dinala sa ospital para sa atensiyong medikal.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, tinitingnan umano nila na personal na galit ang motibo ng suspek sa nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasamaang palad, agad naman na nakatakas ang suspek kasama ang kalibre 45 na baril na ginamit nito sa krimen.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang apat na fired cartridge cases mula sa kalibre 45 na badil at isang deformed slug.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.