-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Sugatan ang isang driver matapos na bugbugin sa Real, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Samson Marquez, 44-anyos, residente ng Sitio Kamagong, Brgy. Bagong Silang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nangyari ang insidente habang naglalagay ng bakod na barbed wire sa kanyang lote ang biktima kasama ang mga kapitbahay nito.

Dito naman dumating ang mga suspek na sina Camilo Marquez, 60-anyos; Mark Joseph Marquez, 23-anyos; at Nora Natividad, 51-anyos, at bigla na lamang kinompronta at pinagbubugbog ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng suspek na agad na tumakas matapos isagawa ang nasabing krimen.