-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY – Patay ang isang driver matapos na pagsasaksakin sa Zone 5, Brgy. New San Roque, Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Darwin Bustarga, 38-anyos, residente ng Brgy. Abucayan, Goa, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog si Bustarga sa barracks nito nang bigla na lamang itong pagsasaksakin ng suspek na si Carlos CariƱo, 56-anyos na agad naman na tumakas sa hindi pa malaman na direksiyon matapos na isagawa ang krimen.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima.

Agad naman itong dinala sa ospital ngunit ideklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Sa nagayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng suspek para sa karampatang disposisyon.