-- ADVERTISEMENT --

NAGA CITY- Patay ang isang retired army matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Antipolo, Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Edgar Pillosis, 51-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Ernesto Verdadero Jr., investigator-on case ng Minalabac Municipal Police Station, sinabi nito na habang nagpapahinga ang biktima sa sala ng kanilang bahay nang bigla na lamang itong pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inilarawan ng asawa nito na isang lalaking naka facemask at naka itim na jacket na bumaril sa biktima.

Dahil sa nasabing insideten, nagtamo ng matinding tama ng bala ng baril sa dibdib at binti si Pillosis.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naman itong dinala sa hospital para sa karampatang asistensya medikal ngunit tuluyan na itong binawian ng buhay habang ginagamot ng mga doktor.

Samantala, ayon pa kay Verdadero, narekober ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong slug ng caliber 45 na baril na posibleng ginamit ng suspek sa krimen.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng at posibleng kinaroroonan ng suspek para sa kaukulang disposisyon.