nadine darna 1
Nadine Lustre

Suportado daw ni Direk Treb Monteras kung sakaling si Nadine Lustre ang gaganap bilang bagong Darna matapos umatras ni Liza Soberano sa nasabing role.

Ito ay kasabay ng pagkakatanghal kay Nadine bilang Best Actress sa katatapos lamang na 67th FAMAS kung saan ilang beteranang aktres ang tinalo nito.

Ayon sa direktor, maituturing daw na superhero si Nadine sa totoong buhay at dahil na rin sa pagiging versatile actress nito.

Isa si Direk Treb sa mga hurado ng FAMAS ngayong taon.

Naungkat din ng direktor ang tungkol sa bagong Marvel superhero na ginawa umanong inspirasyon ang dalagang aktres.

-- Advertisement --

Tulad ni Nadine ay pinarangalan din bilang Best Actress noon sa FAMAS sina Vilma Santos, Angel Locsin, Sharon Cuneta, at Lorna Tolentino na gumanap din ng iconic role na Darna.