Kinumpirma ni Justice Usec. Markk Perete na binawian na rin ng buhay kaninang madaling araw ang isa sa mga sugatang inmate sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City matapos na magwala ang isang sinasabing nabagot na preso kahapon.

Bukod sa nagwalang inmate, namatay din kahapon ang isang bilanggo na pinagsasaksak nito sa loob ng maximum security compound ng NBP.

Isa sa mga tinitingnan na dahilan ng BUCOR sa pagwawala ng preso ay ang labis na pagkainip sa paghihintay sa kanyang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Tumanggi muna ang BUCOR na isapubliko ang pangalan ng tatlong patay na bilanggo, maging ang iba pang mga sugatan dahil hindi pa ito naipararating sa kanilang mga kamag-anak.