Rafael Nadal
Rafael Nadal / IG post

Pasok na sa finals ng French Open si Rafael Nadal matapos talunin si Roger Federer.

Nakuha ng Spanish tennis star ang score na 6-3, 6-4 at 6-2 para sa kanyang ika-12 French Open final at tapusin ang ika-limang losing streak laban sa Swiss tennis great.

Hindi naging hadlang ang malakas na hangin dulot ng sama ng panahon sa ika-39 na paghaharap ng dalawang magkaribal.

Susunod na makakaharap ni Nadal ang sinumang manalo sa pagitan nina Novak Djokovic at Dominic Thiem.