Reading Time: 1 minute
Rafael Nadal
Rafael Nadal with Rogers Cup trophy/ IG post

Umatras na sa pagsali sa Cincinnati Masters si Rafael Nadal.

Ito na ang pangalawang taon na hindi pagsali ng Spanish tennis star matapos ang pagkuha nito ng kampeonato sa katatapos na Rogers Cup.

Ang nasabing desisyon niya ay para hindi na maabala pa ang pagsabak nito sa US Open sa New York na magsisimula sa Agosto 26.

Paglilinaw nito na ayaw niyang pagurin ng husto ang kaniyang katawan para sa pagsabak sa pinakamalaking torneo sa tennis.