Ipinagmamalaki ng PNP-Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na umakyat sa 18 porsyento ang bilang ng mga pulis na kanilang nahuli nuong 2019 kumpara noong 2018.

Ibig daw sabihin mas dumami ang kanilang naaresto.
Base sa datos na inilabas ng PNP IMEG, umabot sa 52 ang mga pulis na naaresto noong 2019, tumaas ito kung ikukumpara sa 44 na mga pulis na hinuli noong 2018.

-- Advertisement --

Ayon kay PNP IMEG spokesperson Capt. Mae Ann Cunanan, pito sa mga naaresto ay mga Police Commissioned Officers habang 43 naman sa mga ito ay Police Non-Commissioned Officers.
Pinakamarami sa mga nahuli ay mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office at Police Regional Office-3.

Sinabi ni Cunanan ang dahilan ng mataaas na bilang ay ang awareness ng publiko dahil may masusumbungan na sila laban sa mga pasaway na pulis.
Lumalabas din sa datos ng IMEG, na robbery extortion ang nangunguna sa listahan ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga tiwaling pulis, ikalawa ang illegal drugs at ikatlo naman ang illegal gambling.

Simula 2017 nasa 147 rogue cops na ang naaresto ng IMEG.

Mas pinalakas na rin sa ngayon ang IMEG dahil dinagdagan na ang pwersa nito.

Mula sa 70 personnel ngayon ay nasa 180 personnel na ito na nagsasaagwa ng pag-monitor, surveillance at magproseso sa case build up laban sa mga rogue cops.