LAOAG CITY – Mas magandang gamitin ang N95 mask kaysa sa face mask laban sa novel coronavirus.

Ito ang sinabi ni Dr. Allan Taylan sa panayam ng Bombo Radyo Laoag.

-- Advertisement --

Ani Taylan na hindi gaanong nakakapagbigay ng proteksiyon ang ordinaryong face mask sa anumang virus.

Ang N95 mask ay espesyal na ginawa ng mga eksperto bilang proteksiyon sa anumang virus o mikrobiyo dahil dumaan ito ng maraming test.

Dagdag ng doktor na ito ay aprubadong gamitin para sa proteksiyon ng kalusugan laban sa coronavirus.