Nasa mabuting kalagayan si Myanmar leader Aung San Suu Kyi habang nasa house arrest matapos ang naganap na military coup.

Ayon kay Kyi Toe ang press officer ng National League for Democracy, na wala namang problema sa kaniyang kalusugan si Kyi.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng kanilang partido sa naarestong lider ng bansa.

Magugunitang naka-house arrest si Kyi at ilang mga political leaders dahi lsa naganap na military coup.