andy murray
Andy Murray

Magbabalik sa paglalaro sa kaniyang grand slam singles si dating world No. 1 Andy Murray sa Australian Open.

Kinumpirma ito ni tournament director Craig Tiley sa pagbabalik ni Murray sa torneo na gaganapin sa Enero.

Sumailalim kasi sa ikalawang procedure ng hip surgery noong Enero at inanunsiyo rin ang balak nitong pagretiro.

Tinalo nitong nakaraang si Juan Ignacio Londero sa Shanghai Masters para maitala ang unang Masters 1000 victory sa mahigit na dalawang taon.