Plano pa rin ni tennis star Andy Murray na muling makapaglaro matapos ang kaniyang hip-surgery.

Sinabi ng three-time Grand Slam champion, na bumuti na ang kaniyang pakiramdam mula noong ito ay operahan nitong nakaraang Enero.

Dagdag pa ng 31-anyos na si Murray na maaring sa Australian Open ito maglalaro subalit posibleng ito ay doubles.

Nauna rito hindi na tinapos ni Murray ang Australian Open noong Enero dahil sa kailangan itong magpa-opera.