-- Advertisements --
ILOILO 1 1

ILOILO CITY – Ila-lockdown ang municipal hall sa bayan ng Maasin, Iloilo simula bukas hanggang Setyembre 6.

Ito’y matapos mag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang walong empleyado ng lokal na pamahalaan at pawang asymptomatic.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Maasin, Iloilo Mayor Francis Amboy, sinabi nito na work from home muna ang karamihan sa mga manggagawa ng munisipyo maliban sa mga tauhan ng opisinang may kinalaman sa health services at disaster preparedness.

Ayon kay Amboy, nagpapatuloy pa ang kanilang contact tracing sa mga naka-close contact ng mga COVID-19 positive nilang mga empleyado.

Sa ngayon, isinailalim na sa disinfection ang munisipyo.

-- Advertisement --