Suportado ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd district Representative Joey Sarte Salceda ang mungkahi na ilipat ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa Office of the President mula sa Department of Health (DOH).
Isinusulong kasi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na ilipat sa pamamahala ng Office of the President ang PhilHealth.
Ayon kay Salceda, ang nasabing panukala ay isang mainam na paunang hakbang sa pagpapatupad ng mga reporma sa State Insurance.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Salceda na makakatulong ito para mas mapahusay ang financial governance at investment management ng PhilHealth na isa aniyang social insurance agency at hindi isang ospital.
Sinabi ni Salceda, sa pamamahala sa PhilHealth ay maaring konsultahin ng Pangulo ang Secretary of Finance at sa ganitong set-up ay matitimbang at matutugunang mabuti ng Pangulo ang finance and health concerns sa PhilHealth.
Siniguro naman ni Salceda na sila sa Kamara ay patuloy na magtatrabaho para maipatupad ang nararapat na mga reporma sa PhilHealth.
Si Salceda ang principal author ng House Bill No. 52 o ang PhilHealth Insurance Act.
” I really think it’s will be better managed as part of the family of social protection agencies under the Secretary of Finance