-- Advertisements --

Mahirap pa umanong tukuyin kung nakararanas na ng second wave ng coronavirus disease infection sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary at treatment czar Sec. Leopoldo Vega na biglang pagtaas ng naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Nakakabahala aniya dahil pumapalo na naman sa mahigit 3,000 ang COVID cases sa bansa.

Kung pagbabasehan umano ang datos ay makikita na tumataas muli ang bilang ng active cases. Kung titingnan naman ang mga kaso at ikukumpara ito noong Agosto 2020 kung kailan pumalo ng 5,000 ang kaso sa Pilipinas, ay nasa kalahati na raw tayo ng peak noon.

“We cannot say right now. We can see an uptick in cases. Once we see that it is already progressive, consistent, and is nearing the 2020 peak, then we can say it is possibly the second wave. But at this time, we don’t. It is still difficult to say it is already the second wave,” paliwanag ni Vega.

-- Advertisement --

Nagbigay din ito ng update sa isinasagawang vaccine rollout sa bansa. Lahat ng pampubliko at pampribadong ospital sa mga rehiyon ay natanggap na ang kanilang alokasyong bakuna.

Ang problema na lang daw ngayon ay ang global supply dahil aminado ito na kulang pa ang supply ng mga bakuna para sa mga bansa.