Lalo pang nadagdagan ang kamalasan ng Golden State Warriors matapos kumpirmahin ng team na nabalian ng buto sa kaliwang kamay si Stephen Curry.

Ginawa ng Warriors ang statement makaraang sumailalim sa X-ray si Curry.

Hindi pa masabi ng Warriors kung kelan makakabalik ang two time MVP sa paglalaro.

Una nang natamo ni Curry ang injury nang matalo sila sa laro nitong nakalipas na araw ng Phoenix Suns.

Labis naman pagkadismaya ni coach Steve Kerr na lalo syang nakulangan ng player.

Kung maalala ang best shooter nila na si Klay Thompson ay nasa injury list pa rin, habang ang dating MVP na si Kevin Durant ay lumipat na sa ibang koponan.

Sa ngayon nasa worst start ang Warriors na meron ng tatlong talo at isang panalo pa lamang sa bagong NBA season.