MSU
MSU

BUTUAN CITY – Naglabas na ang office of the President sa Mindanao State University (MSU) ng memorandum sa lahat nilang faculty and staff para kay Ivan Almeda.

Layunin ng memorandum na pirmado ni Ph.D Florencio D. Recoleto, Jr., Vice Chancellor for Academic Affairs and Officer-in-Charge ang Voluntary Monetary Contributions bilang tumong pinansyal sa freshman student sa MSU na si Ivan P. Almeda na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa Amai Pakpak Medical Center (AMPC) Marawi City.

Binigyan na din ito ng security personnel ang biktima mula sa Division of Security Services base na sa naging kautusan ni MSU System President Habib Macaayong na una ng nangako na paiimbestigahan ang pangyayari upang mabigyan hustisya ang biktima

Maalalang binaril sa ulo si Almeda noong October 17 sa loob mismo ng MSU campus sa mga hindi pa kilalang responsable.