Pumanaw na ang isa sa miyembro ng Pointer Sisters na si Bonnie Pointer sa edad 69.

Kinumpirma ng kapatid nitong si Anita ang kamatayan ni Bonnie dahil umano sa cancer subalit hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye.

Ang Grammy-winning Motown artist ay original na bahagi ng sikat na quartet group ng mga magkakapatid noong dekada 70.

Ilan sa mga awiting pinasikat nila ay ang ang “Heaven Must Have Sent You” na naging no. 11 sa Billboard Hot 100 chart.

Nanalo siya ng Best Vocal by a Duo or Group sa country category ng Grammy award dahil sa kantang “Fairytale”.

Isa sa kaniyang kapatid na si June ay pumanaw din noong 2006 dahil sa cancer.