NAGA CITY – Patay ang isang motorista matapos mabanga at makaladkad pa ng pampasaherong bus sa Barangay ViƱas, Calauag, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office(QPPO), nabatid na kinilala ang biktima na si Carlo Ausena, 57, habang ang driver ng nasabing pampasaherong bus ay kinilala naman sa pangalang Edgar Realco, 45.

Napag-alaman na habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng Maharlika Highway sa nasabing lugar at bago umabot sa parkurbang bahagi ng kalsada nang inukupa ng pampasaherong bus ang kabilang linya ng kalsada.

Kaugnay nito aksidenteng nabanga ng bus ang motorsiklo at nakaladkad pa ng halos 25 metro ang biktima na naging daan ng kamatayan nito.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.